Ka-Blog!






         Ang mga lagabog ng aking buhay!

September 4, 2008

Debating with a dumb US marine

Flag
The following is a rather long response to an ongoing egroup debate with a fucking US marine.  Won’t bore you with what he wrote at first that started all this.  Kumpleto na naman yata ang sagot ko.

= = = = = = =

Dear Marine:

Teeeeennn-HUTTT!

Hindi naman ako nag-react dahil ang tingin ko ay mali ang ilan sa mga sinulat mo tungkol sa Bling-jing Olympics–yung batang itinago, yung polusyon, yung hrv, atbp.  Tama nga e.  Nalungkot nga ako para dun sa batang may boses.

Nagimbal lang ako dahil sa sobrang asim ng mga salitang ginamit mo.  Kaya naman nabansagang basura ang iyong pyesa at ikaw ay bigot (Ano nga ang Filipino ng ‘bigot’?  ‘Ungas’ yata, pero not sure.)  dahil yun naman talaga ang arrive mo.  Matindi ang malisya mo laban sa mga Intsik. Tuldok!

Okey, sige. Pagbigyan.  Manunulat ka kamo.  “Dawner”.   Section ed at ilang terms as Assoc.  Waw!  Bigatin!  Istilo mo kamo ang ganyang paraan ng pagsusulat.  (Boss Presto!  Pareng Jon!  Nikki Girl?  Tibor Joshua! Kilala niyo ba ito?  Puro kasi Dawn EIC lang ang kaibigan ko e.)  Sundalong Kano ka pa.  E kailan mo naman kami patitikimin ng ganitong klaseng sinigang laban sa hinayupak na US armed forces?  Alam mo ba naman na higit ang kasalanan ninyo sa buong mundo laban sa karapatang tao?  Tandaan mo, at dapat alam mo ito dahil dati ka namang naging Pinoy, na bente porsyento ng nabubuhay na Pilipino ang pinatay ng mga Kano noong 1899 hanggang matapos ang gyerang agresyon nila laban sa bagong tatag na Republika ng Pilipinas.  Bigyan na kita ng sunod mong susulatin.  Isulat mo nga para sa aming kabatiran kung humingi na ng tawad ng pamahalaang EU sa genocidal war na ito laban sa amin.

Mayroon ka pa yatang nabanggit na kasalanan ng Tsina laban sa Tibet.  May tama ka!  May HRV nga dun.  E paano naman ang pamimigay ng EU sa Malaysia ng North Borneo na bahagi ng ancestral domain ng sambayanang Moro na dapat sana ay bahagi ngayon ng Pilipinas?  O paghahati ng EU at ng dating USSR sa peninsulang Koreano matapos ang malaking gera?  O ang genocidal war ng EU laban sa mga unang nasyon ng Norte Amerika (American Indians ang tawag niyo sa kanila, di ba?)  Kumusta naman?

Mapunta tayo sa polusyon.  Alam mo ba naman na ang nangungunang polluter sa buong mundo magpasahanggang ngayon ay ang EU?

At hindi ba, nagdadala pa kayo ng mga barkong de-nukleyar sa Pilipinas kahit bawal ito sa aming Konstitusyon?  Hindi pa rin nalilinis ang toxic wastes mula sa mga dating base militar ng EU sa Angeles at Olongapo.  Tama!  Lalanghapin nating lahat ang polusyong buga ng mga Intsik ngayon.  Paano naman ang polusyong mas masahol na nasinghot na namin galing sa mga Kano?  Ang dami ng mga batang may leukemia sa Angeles ha!

(Teka, bakit nga napunta sa mga Kano ang usapan?  Aaahhh.  Ipinagmalaki mo nga pala na ganun ka na!)

Ngayon naman sa Olympics.  Kung sundalong Kano ka, hindi ba dapat ay suportado mo ang opisyal na tindig ng iyong gubyerno hinggil sa Olimpiada sa Beijing?  Nagpadala ang EU ng napakaraming atleta.  Humakot ng maraming medalya ang EU sa Beijing. Tinanggap ng sambayanang Tsino ang mga atletang Kano–ang Redeem Team, si Phelps, atbp.

Naku!  Muntik ko nang makalimutan!  Di ba pumunta rin doon ang magaling niyong presidenteng si Dubya?  E kung pumunta ang iyong matalinong commander in chief, e di para niya na ring bitbit ang suporta ng buong gubyernong EU sa Olimpiada sa Beijing?  Anong ginagawa ng isang Marine na tulad mong bumakbak ng todo sa isang pangyayaring buong giliw na sinuportahan ng iyong mahusay na gubyerno?  At kumusta naman ang bilyon-bilyong kinita ng Cola-Cola, McDonalds, Pepsi, IBM, HP, Microsoft, Nike, Speedo at iba ang American giants mula sa pinaghirapang ihandang Olimpiada sa Beijing? Hhmmmm….2,000 push-ups, your face in the mud, dumb Marine!

A, pero pwede mo namang sabihing wala ka namang sinulat laban sa iyong gubyerno, di ba?  Laban lang sa mga Tsino.  E kung ganun, banlag ka siguro–tumititig sa kaliwa habang papalayo naman ang tingin sa kanan.

Di yun insulto, Marine.  Istilo ko lang.  Di ko pa naman kita ang larawan mo.  Baka naman mas maganda ka ngang lalaki sa akin, pero yun nama’y hindi ko kailanman aaminin.

Maniniwala ako sa iyo kung pupunta ka sa Capitol Hill (o kahit man lang sa Washington Post o Sports Illustrated) na dapat isauli nina Kobe, Mike, LeBron, atbp ang lahat ng kanilang medalya.  O kahit magsulat ka lang laban sa partisipasyon ninyo sa Bling-jing.  Pinatugtog na ang Star-Spangled [and Blood-Spattered Banner] sa Tsina, nagpapakipot ka pa?  At bakit?  Kasi, kamo, matindi ang polusyon sa Beijing at hindi nila pinakita sa TV yung batang baliko ang ipin?

Payo lang, Marine.  Huwag na naman kayong pumasok sa Iran.  Nakakarami na kayo ng olats–Mindanao, Cordillera, Samar, Korea, Cuba, Vietnam, Somalia, Afghanistan, Iraq.  Wala nang takot masyado sa mga Kano.  Mas marami nang tumitindig at lumalaban laban sa imperyalismo ninyo.  Mas marami man kayong napapatay, hindi naman kayo maunawaan kung bakit kayo sobrang pakialamero ng sarili ninyong mamamayan.  Kami, alam namin kung bakit kayo masyadong ma-epal at pasaway.  Kasi, kung wala kayong sinasakop, maghihirap pa kayo sa daga. (Kung hindi mo pa ito ma-gets, itatatwa ka na ng UE.)

Sa totoo lang, nauunawaan ko kung bakit ka andiyan at nag-sundalo.

Kelangan mo ng pera, di ba?  (Ako rin nga e!  Kaso, hindi ako kailanman maglilimpiya-bota sa isang katihang mapang-api.)  Kaya lang, ‘wag ka namang masyadong-OA.  (Mas Kanoka pa sa mga readers ng Fox Redneck News e.  Pinabili ka lang ng suka e, akala mo spokesperson ka na ng US State Department.)  May tiyo nga akong naging chief ng attack submarines at boomers e.  Pero hindi ko siya naringgang mang-alipusta ng mga nakalaban nilang mga navy kahit minsan.  Gentleman in uniform lang siguro ang tiyo ko.

Sa sunod na madalaw ka rito sa mahirap naming bansa, gusto ko sanang makita kung gaano kagaling sa barilan ang mga US marines ngayon.  Bakit ba hindi kayo maka-dama sa Iraq?  Perdigana yata ang alam na laro ni Betray-us doon e.  Pero sa airsoft lang ha.  Isport lang.  Pampapawis at pambawas bilbil.  Pero kung tapang-tapangan ka talaga (”trust me. youll KNOW when i get mad.” and all that shit), dun ka sa teritoryo ng MILF magpadestino.  Ano ba naman ang dagdag na isang sundalong Kano doon, e marami na naman ang naroon?  Ang problema mo lang, hindi kayo uurungan.

O siya.  Baka may white officer ka pa diyan na magpapatimpla ng kape sa iyo.  Baka nailalayo na kita masyado sa Marine-issue mong takure.

Lubos na gumagalang,

Bukaneg
-SPVIAN eic ’86-‘87
-The Bedan eic ‘91-’92
-The Spires eic ‘92
-Kule contributor ‘94-’95
-The National Guilder editor ‘93-’94
-VP for Luzon, CEGP ‘94-’96 (Concurrent NCR chapter chair)
-Teachers’ rights worker ‘96 to ‘04
-PIO, Human Rights Monitoring Committee, GRP-NDF JMC ‘04-’05
-Co-host of award-winning radio program on HR and other issues
-Writer/Cameraperson for HR video docus ‘05 to present
-Writer, editor, director, talent, producer of a weekly radio program for
chilren’s rights July ‘08-present
-Freelance journalist/photog
-Development worker
-Never a soldier for a foreign country
-Pinoy

June 22, 2008

A haven in the valley

Ayuyang_windows
If you are from or have spent a night in Solano, Nueva Vizcaya chances are you’ve heard about the Ayuyang Bar.  If you are lucky you’ve been there at least once.

There are bars and there are bars.  But Ayuyang is definitely not your usual.  Let me elaborate.

Solano is not (yet) a popular tourist destination.  Aside from its regional university and their delicious tupig, the town is not much known aside from the fact that it is Nueva Vizcaya’s commercial center.  It is not even mentioned as much as the provincial capital of Bayombong.

Bars resort to all sorts of gimmicks to stand out and draw in customers.  Very few succeed because only a few can be original.  Metro Manila bars now rely too much on things electronic such as blinding lights and very loud house music.  They probably think by offering the latest they are already licensed to charge exorbitant prices.  Then we have the likes of Mayric’s, 70s Bistro and Conspiracy Bar which capitalized/s on good music.  I couldn’t think of more successful bars than these three, which is instructive of the circles I move in and my preferences.

Anyway, Ayuyang has none of the contemporary feel of the modern bars.  It could have candles for lighting and would still be enjoyable.  Its main draw for me is its décor and atmosphere.  It’s really a museum of old household items and farm implements.  This is the only bar where a charcoal press is not out of place beside a sweating cold bottle of San Mig Light.

Our friend and fellow Guilder Maita said the place was and is a work of love.  It looks like it.

And the music?  It was refreshing.  The night we were there, Cordillera groups and artists sang folk standards as well as originals.  They have such lovely voices that blended beautifully and went well with the delicious food they got.  (The pinakbet!  Goodness!  The orig Ilokano kind!)  They also have other groups and solo acts some other nights.  Hindi naman nakapagtataka. The place looked very popular the Sunday night we were there.

Teddy_at_ayuyang
I may not be an objective Michelin judge when I write these about Ayuyang.  In fact, we came as guests of the family who owns it.  We arrived there in time for lunch and we were able to marvel at the obvious patience and dedication to build its awesome collection of nearly forgotten items of decades past—wooden wheels, kerosene lamps, capiz shell windows, old biscuit tins.  Still, as any street smart salesperson would say, “Hindi ako mapapahiya” if you decide to give some currency to what I’m saying.

If ever you find yourself spending a night in Solano, drop by the Ayuyang.  It’s on 115 Magsaysay Street, Solano, Nueva Vizcaya.  It lives to its name—haven.