Mayo na naman, Ka Bel
Ka Bel, Mayo na naman
Wala ka man noong a-uno sa Liwasan
Nasa isip at puso ka
Ng buong sambayanan.
Ka Bel, buwan na naman ng Mayo
Sa unang anibersaryo ng iyong pagyao
Walang nagbabang-luksa
Sa mga nagmartsa sa Miranda
Tatlong araw matapos ang anibersaryo
Ika-dalawampu’t dalawa ng Mayo
Binuwag ng pulis ang kampo
Ng mga magsasaka sa Kongreso
Sumugod ang mga palamunin
Nagwasiwas ng batuta ang mga walang silbi
Nambasa ang mga bumberong inutil
Hanggang madurog ang kampo ng nagpapakain
Ka Bel, Mayo na naman
Patuloy pa rin ang iyong laban
Dahil ang pangako namin sa dakilang yumao
Buong taon ay buwan ng Mayo
6:32 n.g.
22 Mayo 2009
Lungsod Quezon


