Palimbagan (para sa kaarawan ng kasama ni batik)
sa katanghalian ng iyong panahon
banat ang mga litid ng kasiglahan
sa panahong maganit ang bilis ng isip
bansot ang hakbang sa tagubilin
sa kagustuhang makita ang hulô
tumitiad at tumitingala
upang makatiyak ang kinaroroonan
yumuyuko sa lupa
sa walang-patid na paron-paritong mga sulatin
ang mga tiklado ay tinta ang bugâ at hindi tunog
ang walang-sawang ikid ng mga taon
paniguradong tatanda kang muli
at ang iyong kasaysayan ay singhaba na ng iyong nilakbay
ang iyong mga akda ay madadagdagan ang talab
sa libro, polyeto, dyaryo, pader
sa marami pang makababasa
patagal nang patagal
padami nang padami
Meg
06 Disyembre 2008
12:33-12:52
hatinggabi doon Sa Isang Bahay