mahirap maghukay ng malalim para sa mga tagong damdamin
sapagkat yaong malalaking butil lamang ang dapat palitawin
yung maliliit nama’y hayaan na lamang sa ilalim
at kung walang matisod ay di dapat manimdim
hindi madali ang mangapa sa madilim na hukay
ganun din naman ang paghahanap sa kahulugan ng buhay
ngunit kung ginto ay kumislap at nagpahanap
dalhin na ito sa ibabaw nang masilayan ng liwanag
paminsan-minsan ka man tumula aking kaibigan
ginto ang mga itong masarap basahi’t pakinggan
ano pa kung itong bagong gintong iyong alay
mayabang akong sabihing para sa aking tunay

Disyembre 6, 2008
Quezon City
2:00 n.h
(Sagot sa tulang alay ni Meg)