Ka-Blog!






         Ang mga lagabog ng aking buhay!

June 6, 2007

Surface Bedan Jonas Burgos Now!

Filed under: Uncategorized — bukaneg @ 12:51 am

Jonasburgos Nabasa ko ngayong umaga kay Conrad de Quiros na si Jonas Burgos pala ay Bedista.  Nagulat ako.

            Ngayong hapon, bigla akong na-YM ni Adolfo Ares Gutierrez, dati kong editor sa The Bedan.  Sinabi niya na si Jonas ay dating staff ng “B” noong 1988-1989.  Ito naman ay hindi ko na masyadong ikinagulat.  Alam naman ng lahat na si Jonas ay anak ni Joe Burgos, dakilang sulo ng kalayaan sa pamamahayag noong nabubuhay pa.  Pamilya sila ng mamamahayag.  Nagamit na nga rin namin ang kanilang bukid sa Barangay Tartaro, San Miguel, Bulacan sa isang seminar ng CEGP nung buhay pa si Tito Joe.  Kilala ko nga ang pinsan niyang si Raymond Burgos na dating presidente rin ng CEGP noong Dekada 80.

             Iilang Bedista lamang ang nagiging aktibista.  Mas iilang Bedistang aktibista ang nagtatagal.  Higit na iilang Bedistang aktibistang nagtagal ang nanatili sa Kilusan hanggang sa huling hininga.  Tunay na pampataas ng morale ang mga ganitong balita para sa akin.  Hindi pala ako putok sa buho.  

            Bigla, nakaisip na ako ng kung ano-anong pwedeng gawin para naman ang dati naming eskwelahan ay makatulong sa kampanya para ilitaw ng estado si Jonas.  Makapag-ladlad man lang ng streamer sa harap ng gate na may panawagang “Surface Bedan Jonas Burgos!” ay malaking bagay na.  Lagpas sa tulay ng Mendiola at mas malapit sa hayop sa Malakanyang ang gate ng eskwelahan.  Mainam din kung maimprenta ang student number kasama ng larawan niya, para rin madama ng mga kasalukuyang Bedista na kapatid nila ang biktima.

          Hindi ko man inugali, pinadalhan ko rin ng mga mensahe ang lahat ng Bedista sa aking Friendster.

Sana may tumugon, lalo na yung kasalukuyang staff ng “B”.

         Iilan na nga lang kami, dinukot pa ang isa.



No Comments »

No comments yet.

RSS feed for comments on this post.

Leave a comment