Comments on: Ang gusto kong kasanayan

By: meg
nainggit naman ako…

ito na yata ang nakasanayan ko - ang laging makaramdam ng inggit kapag dalampasigan at dagat ang pinag-uusapan.

kailan kaya ako muling makatatapak sa pinong buhangin ng dalampasigan at di na muna sa mga buhangin ng maaligasgas na kalsada?

kailan kaya ako muling makalalasa ng alat ng tubig-dagat at di na muna makalasa ng alat ng pawis ng maalinsangang paligid?

pero, kaya ko pa namang maghintay…

dapat naman… di dapat tayo mainip, sa klase ng buhay nating ito, wala tayong karapatang mainip…

noon naman ay nanawa at naglungad na ako sa kanila,

at habang tumatagal,

ako ay lalong nananabik sa muli naming pagkikita…

sa totoo lang,

mga awitin ni gary granada ang isa sa mga gumising sa  akin.  una kong narinig ang album niyang “ang pagsamba at pakikibaka”, dala ito ng isang kapamilya nang siya ay umuwi sa probinsya.

akala ko ay isang pari o kaya ay isang seminarista si gary.

naglaro sa aking isipan ang isang itsura ng lalaking matangkad, maputi, sa madaling salita ay kaiba sa itsura niya.

nang makita ko siya sa tv, sabi ko sa sarili ko, “ah, ok.”  lalong naging astig ang tingin ko sa kanya (he he).

nalimutan ko na kung kailan iyon.  di ko na rin alam kung ano ang napanalunan nya sa kanyang “mabuti pa sila” (di ko alam kung ito ba ang pamagat ng awit na iyon, iyon bang may galunggong)

minsan isang hapon, ihahatid ako ni batik sa aking lungga, dumaan muna kami sa upisina ng gabriela, hihiram kasi ako ng damit para magamit sa isang okasyon.  bumili naman si bukaneg ng tape ni gary, gusto ko sana hiramin pero wala naman akong player.

nawala na ang mga koleksyon kong tape at songbook ni gary.  naiwan na kung saan-saan at di ko na iyon mababalikan at isa pa wala na rin akong kontak sa mga napag-iwanan.

bukaneg, ipag-burn mo ako ng mga kanta ni gary ha, pakisamahan mo na rin ng songbook, sana with guitar chords. pakihanda mo at baka isang araw ay magkita tayo. (malay natin)

ang natira lang kopya sa akin ay “dagat”, kung may kopya ka ng kantang ito, malalaman mo kung bakit ito lang ang naitago ko.

hanggang sa muli!

ibayong ingat!