Isang tulang attached
Makata ako ng aking sarili Ng aking panahon, lugar at kalagayan.
Wala akong otherness Hindi ako tumutula tungkol sa mga bagay Na hindi ko nararamdaman O nasasaksihan.
Wala akong elsewhereness Hindi ako tumutula tungkol sa mga lugar Na hindi ko pa napupuntahan O naririnig man lamang.
Wala akong wheneverness Hindi ako tumutula ng wala sa panahon Na pampalipas oras lamang O hinggil sa mga panahong walang kaugnayan sa kasalukuyan.
Wala akong whateverness Hindi ako tumutula ng samu’t sari Na para ako ay magmukhang learned O profound man lamang.
Wala akong impassiveness Hindi ako dakilang miron Na nagsusulat lamang dahil walang magawa O humahayo palayo sa disgrasya.
I make patol every isyu—in fairness At mga isyung Now Na!
Kung mayroon man akong angst Ito ay tungkol sa aking sarili Panahon, lugar at kalagayan O ng mahal kong bayan.
Hindi ako detached.
–17 June 2006
1:14 p.m.
Quezon City
iyan si Raymund, academician, skolar ng bayan, at maging ang international konrad adenauer for journalism ay napansin ang kaigaigayang aliw sa pagsusulat. humayo ka kabayan, kamag-aral, at kaibigan. nawa’y dumami ang katulad ng iyong ideyalismo at katatagan ng paninindigan.
salamat sa lahat.
Samu — June 16, 2006 @ 9:52 am