Ka-Blog!






         Ang mga lagabog ng aking buhay!

January 15, 2006

Pokwang

Filed under: Uncategorized — bukaneg @ 5:07 am

Pokwang_2In some recent gatherings, Cherry Clemente’s name keeps getting mentioned among my circle of friends, comrades and jerks-who-I-thought-were-my-friends.  I don’t blame Cherry for the jerks whom we happen to know both.  She just had the power to attract both good guys and simply assholes.
       Every peso in my wallet at the moment couldn’t match the number of guys who had a crush on her when we were younger.   Hindi ko naman alam kung bakit. :-)
       It has been a complete decade since I last worked with Pokwang–I was updating my poetry notebook when I realized "Ay, sampung taon na nga pala nung naghiwalay kami ng bruha."
       
We are both members of something and we still move within the same general circle.  Our relationship have matured in a such a way that, when we bump into each other, I get a sweet hug from her one moment and a dirty finger the next.  I got some of both when we were abroad last December.  The friends I keep.
        Enough of the introductions.  Twelve years ago, Cherry and I were like this:


2 Pebrero 1994


Dear Raymund:

Bawat tuyong daho’y may sisibol na usbong,
    panibagong dahon sa buhay ng puno.
Nalalaglag na daho’y lumalakad na panahon,
    pagkakataon sa pagpapanibagong hubog.

Mga ugat na mahigpit ang kapit sa lupa’y
     di nakaliligtas at nahahagip din ng bagyo
May mga ugat na minsan ay nabubunot
    sa pagkakatayo sa nabababad na lupa.

Sa bawat dahong nililipad
    sana’y mga bagong usbong ay magsilbing karugtong ng buhay…

                                                        Ako,

                                                      Cherry
= = = = = = = = = = = =

5 Pebrero 1994


Cherry,

Ang daho’y natutuyot, nalalagas
kapag matanda na’t said na ang katas
at bago maging lason sa punong kinakapitan
kumakalas, nalalaglag, nagiging kasaysayan

Ang ugat ay ligtas sa sakuna’t kapahamakan
malalim lang ang kapit at laging nadidiligan
ngunit ito’y nahuhugot, puno’y nabubuwal
kapag lupa’y ulila, tuyo at pagal

Ngunit ang ugat na sumisipsip sa aral ng lipunan
malalim ang kapit, ang lupa’y kaibigan
Ang daho’y buhay sa katas ng pakikibaka
hindi natutuyot, sariwa sa kanyang paglaya

Ako’y naglalagas ng lason, nagdidilig ng ugat
Upang pakikibaka’y masigla at mulat.

                                            Ako rin,

                                           Raymund



No Comments »

No comments yet.

RSS feed for comments on this post.

Leave a comment