Ka-Blog!






         Ang mga lagabog ng aking buhay!

January 16, 2006

‘Nay, Ipinagpalit Kita sa Bagyo

Filed under: Uncategorized — bukaneg @ 5:18 am

Binabasag ng pandalas
na patak ng tubig-ulan
ang pagninilay ko,

alam ko kasing nag-aalala ka.

Kung talagang nais mong malaman . . .
nangangatog na ako sa lamig,
butas ang bubong namin,
basa ang aking damit,
malamig ang hanging sa siwang sumingit,
wala akong unan at kumot,
hindi na makatulog.

Ang lambot ng dating kama ko?
Ang init ng mga yakap mo?

‘Nay, hindi na bale.

Nilatagan na ako ng banig ng pagtanggap
ng masang umaasa.
Uminit na ako sa yakap ng bisig
ng pakikibakang mapagpalaya.

Patawad, ‘Nay, sa Paskong ito,
ipinagpalit kita sa bagyo.

                                                -10:15 n.g.
                                                 27 Disyembre 1993
                                                 Laguna
+++++++++++++++++

I wrote this poem while Typhoon Upeng was tearing through Southern Luzon at Signal Number 4.  It saw print on Homelife Magazine (December 1995), was a finalist in the Homelife National Literary Awards 1995, cited as one of the "Ten Best Poems" by  Isagani Cruz in the Sunday Star in January 1996, and was included in  "Ang Aklat Likhaan ng Tula at Maikling Kwento 1995 of the University of the Philippines Press (Domingo G. Landicho and Lilia Quindoza Santiago, editors).



No Comments »

No comments yet.

RSS feed for comments on this post.

Leave a comment