Ka-Blog!






         Ang mga lagabog ng aking buhay!

November 28, 2005

Literal

Filed under: Uncategorized — bukaneg @ 6:14 am

Sa alaala ng Sampu ng Palo


Ang sabi ng Mabuting Salita: “Mula sa lupa tungo sa lupa.”

Subalit ang mga sundalo’y hindi kinailangan

Maging literal.


Ang sabi ng mga magbubukid ng Palo: “Balik-uma!”

Subalit ang mga sundalo’y hindi kinailangan

Maging literal.


Ang sabi ng mga magsasaka: “Atin muling pagyamanin ang lupa!”

Subalit ang mga sundalo’y hindi kinailangan

Maging literal.


Ang hiling ng taumbayan: “Nais namin ng matagalang kapayapaan.”

Subalit ang mga sundalo’y hindi kailangang

Maging literal.

 

                                                                     -9:45 pm

                                                                     Nobyembre 29, 2005

                                                                     Lungsod Quezon



No Comments »

No comments yet.

RSS feed for comments on this post.

Leave a comment