Ka-Blog!






         Ang mga lagabog ng aking buhay!

September 15, 2005

Pasasalamat sa CEGP

Filed under: Uncategorized — bukaneg @ 3:21 am

Cegp_logo
Kaninang umaga, tinawagan ako ni Atty. Ricardo Valmonte  (MH del Pilar awardee, 1997 CEGP National Convention) to inform me that the venerable and oh-so-wise Court of Appeals overturned my conviction by Manila RTC Branch 39 sa kasong libel.
   Ito yung libel case na isinampa sa akin ni Prof. Leo Mendoza ng San Beda noon pang 1991 at ikina-aresto ko noong 1993.
   Dahil malaki ang tulong sa akin ng Guild sa kaso kong ito, gusto kong  pasalamatan ang sumusunod na girdles:
1. Rep. Teddy Casiño, who was CEGP prexy noong 1993. Ginising ko siya ng madaling araw at dumating siya sa WPD Precinct 5 ng alas-kwatro ng umaga na dala ang aking almusal at pampiyansa na inutang pa kung kani-kanino.  Siya rin ang naglapit ng kaso ko kay Atty. Ric na dinala ang aking kaso pro bono nitong 14 years.  (Dumating din noon si Teddy noon pinag-uusapan pa lamang sa Beda ang kaso);
2.  Jaz Lumang, Sec. Gen. 1994-1996, na agad namang sumugod sa Precinct 5 ng Central Police  District sa Kamuning at hindi sa WPD Precinct 5 sa United Nations Avenue noong nalaman niyang  nakakulong ako;
3. Sina lai, vih, poyeyo, maita, tibor, lahlee, pokwang, cecille pekpek, maya, ateng nigel at iba pang mga amo ni Ratbu sa pepin dahil napagkaitan sila ng perang pang-hop noon dahil nagastos sa  aking piyansa;
4.  Sa mga taga-natonal noong panahon ni Presto as prexy dahil sinuportahan ako sa kasagsagan ng paglilitis sa RTC;
5.  Kay Prof. Danilo Araña Arao, dating NEC ng Guild at vice-prexy namin sa ACT sa pagluluwal para sa aking pangalawang piyansa sa CA;
6.  Sa aking asawang si Pom, CEGP 1997-1999; at
7.  Sa lahat ng kasamang sumuporta at tumulong.
   Bilang panghuli, nais kong humingi ng pag-unawa sa mga naunang "Drummers by the Flagpole" na sina:
a. Adolfo Ares Gutierrez (TB eic 1990-1991);
b. Art Francis Bernales (TB eic 1989-1990); at
k. Samuel Ceazar Porcalla (Spires eic 1990). 
   
Hindi ko nilayong mabahiran ng hindi maganda ang "Drummer".  Humiram ako ng tapang sa mga orihinal pero hindi ko nagaya ang kanilang galing.
   
Maraming salamat at mabuhay ang Guild!



No Comments »

No comments yet.

RSS feed for comments on this post.

Leave a comment