Ka-Blog!






         Ang mga lagabog ng aking buhay!

June 3, 2005

Tanong kay Kris Aquino

Filed under: Uncategorized — bukaneg @ 10:01 pm

Kris1_2_1    Sa unang pagkakataon ay nag-imbita kami ng mga manang dito sa opisina.  Isang taong halaga ng mga dumi, alikabok at agiw ang kailangan nang mabakbak mula sa mga bintana, dingding at sulok-sulok.  Tumigil kami sa paglilinis ng alas-dose para makapananghalian.  Habang kumakain, binuksan ang telebisyon para makapanood na rin ang mga manang.  Nagawi ang aming panonood sa game show ni Kris Aquino.
    Siyempre, napag-usapan ang nakaraang masaker sa Hacienda Luisita.  At siyempre, karugtong na roon ang interview ni Kristeta kay Boy Abunda.
    Ang sabi niya, baon din daw sila sa utang.  At dapat daw unawain din sila ng mga tao na malaki ang problema ng pamilya Cojuangco.  Milyon-milyon daw ang utang nila sa mga bangko.
     Sa kanyang anbilibabol na kasikatan, magaling na taktika para kay Kris ang ika nga nila sa Lohika na argumentum ad miserecordiam.  Habang buong lungkot niyang isinalaysay ang paghihirap ng kanyang pamilya, tiyak na mayroon din naman siyang napaniwala, lalo na ang kanyang milyong tagahanga.
    Pero sa mga nag-iisip, alam naman na kumpara sa kanilang mga kabayo ay mas nakakaawa ang lagay ng kanilang mga manggagawa; na mas maganda ang kwadra ng mga kabayo kesa sa dampa ng mga nagtatanim ng mga tubo. 
    Bakit, sa isang araw, kaya ba o gugustuhin ba ni Kris Aquino na buhayin si Joshua sa halagang siyam na piso?



1 Comment »

  1. HAH…HAH…HAH…
    Josh, kamay sa dibdib…

      meg — June 10, 2005 @ 9:22 pm

RSS feed for comments on this post.

Leave a comment