Ka-Blog!






         Ang mga lagabog ng aking buhay!

May 26, 2005

Writing

Filed under: Uncategorized — bukaneg @ 4:44 am

    I have been asked more than a couple of times when did I start to write.
    I forgot. 
    I just remember I got into it more seriously during CEGP’s (in)famous Friday Poetry Nights at the Pepin headquarters.  Then, my puny efforts got the most vicious of creamings from the then already established poets from UP and La Salle.  But those sessions were almost always over bottles of beer. So I did not take those rejections too seriously.
    But I began to be more careful.
    I also remember, in my first-ever Creative Writing class, our professor (who announced she was a writer of sorts) was explaining what it takes to be a good writer.  She said:  "One must be a little crazy, like I am."
    From the back of the class, I said loudly:  "YESSSS MA’AM!"   

May 24, 2005

Remembering Pako Valley

Filed under: Uncategorized — bukaneg @ 12:35 am

Bakwet    Mag-iisang taon na ako sa opisinang ito.  Ilang beses na rin akong natawag na "human rights worker."  Iba ang pakiramdam kapag natatawag kang "manggagawa para sa karapatang-tao." Proud ka, siyempre. Pero may halong "I’m not worthy!" o kaya naman, lalo na ngayon, "I’m dead tomorrow!"
    Ilan na nga ba ang pinapatay na human rights worker?  Si Atty. Ed Olalia ang unang nagsabi: "Nakakatakot magbukas ng message sa cellphone.  Baka notice na naman ng bagong pinatay."
    Subalit tuwing nalalambungan ng duda o takot ang aking diwa binabalikan ko ang alaala ng Pako Valley.

   

May dumating na imbitasyon sa opisina ng CEGP.  Fact-finding mission daw sa Apayao. 1993 noon–Presidente pa lang ng CEGP si Teddy CasiƱo, kaibigan pa ang mga taga-Task Force Detainees of the Philippines, at ako’y kalalaya pa lamang mula sa isang araw ng pagkakakulong at limang taong pag-aaral sa kolehiyo.
    Inalok sa akin ni Teddy ang byahe.  Umoo naman ako. 
    Bumyahe ako patungong Tuguegarao.  Nag-aral ako noon dito.  Dito nabuo ang team na bibyaheng Apayao. Pagkatapos ng kalahating araw ng kilanlanan ay tumulak kami lulan ng isang nirentahang dyip.
    Hapon na ng dumating kami sa bayan ng Pudtol.  Nagpatagal sa amin ang napakaraming tsekpoynt ng militar sa highway.  Tumuloy kami sa bahay ng Mayor upang ipagpaalam na papasok kami sa gubat kinabukasan.   Mayroon lang bang makaalam kung sakaling hindi kami makalabas sa oras.  Bago kami natulog naligo muna kami sa irrigation.  Malakas ang agos ng tubig mula sa bundok.  Malamig.  Masarap sa balat.   At dahil pagod sa byahe maaga kaming natulog.
     Maaga kaming sinundo ng dalawang bangka sa ilog kinabukasan.  May mga motor ito.  At sa unang mga oras ay naubos ang aking panahon sa katitingin sa pinakamagagandang mga tanawin na aking nakita.  Matatarik na bundok ng naglalakihang bato na napuputongan ng berdeng kagubatan.  At sa aking tabi at sa ilalim ng aming bangka ang pinakamalinaw na ilog na aking nakita.
    Pagkalipas ng ilang oras ay kinailangan naming bumaba maya’t maya upang itulak ang bangka na malagpasan ang rapids.  Madulas ang mga bato at umaalimpuyo ang tubig.
    Nagpagabi kami sa isang sityo.  Pinatulog kami sa isang kubo na ginagamit nilang hintayan ng mga bangkang naglalakbay palabas sa bayan.  Kinabukasan, bago pa tumirik ang araw ay muli kaming naglakbay. 
    Pagkatanghali, masyado nang mababaw ang ilog para sa aming mga bangka.   Kinailangan na  naming maglakad.   Walang daan papasok ng Pako Valley.  Ang tanging daan dito ay ang ilog sa pagitan ng nagtatayugang mga puno at matatarik na bundok.  Naglalaro ang mga isda sa aming paanan habang nag-aabang ng masisila ang mga ahas sa aming ulunan. 
    Isa ang Pako Valley sa tatlong lambak  na kung tawagin ay tri-valley ng Apayao. Pangalawa ang Sinundungan Valley at una ang  Marag Valley–lugar ng di mabilang na engkwentro sa pagitan ng AFP at ng NPA.  Ito ang maalamat na base ng NPA ng Dekada 80 at lugar ng mga masaker ng mga sibilyan ng AFP.  Pako Valley ang tawag sa aming pinasok dahil ang gilid ng ilog ay punumpuno ng mga Pako.  Sa dami ng aming nakaing Pako, nagkulay berde na ang aming mga dumi.
    Alas-kwatro ng hapon ay umulan ng malakas.  Ilang sandali pa, ang dating ga-tuhod na tubig ay umabot na sa aming dibdib. Kinailangan naming gumawa ng daan sa masukal na gubat.  Dito nasira ang aking sapatos sa walang katapusang pagdausdos.  Ilang beses din akong gumulong dahil walang makapitan.  Ang lahat yata ng sanga’y may tinik.  Duguan ang aking mga kamay at paa. Hindi nagtagal ay pinulikat ako at kinailangang buhatin ang aking bag ng isa kong kasama.
     Pagsapit ng gabi ay nagkampo pa rin kami sa ilog.  Doon ko naranasang matulog na batuhan ang aking higaan.  Kinaumagahan, halos hindi ako makakilos sa sakit ng katawan.  Pero tuloy ang aming paglalakbay.
    Pagdating ng hapon, narating namin ang aming sadyang sityo.  Wala kaming naabutan kahit na isang anino.  Bagkus, daan-daang basyo ng bala ng armalayt, naaagnas na mga bungo ng kalabaw at mga sunog na kabahayan ang aming nakita.
    Agad kong inilabas ang aking dalang lumang kamera.  Ilang rolyo ang aking naubos bago ako tumigil.   
    Sa may bandang ilog ay doon makikita ang mala-paraisong lugar.  Katabi lamang ng sityo.  Parang panaginip, naisip ko.  Impyerno sa paraiso.  Sa Pako Valley ko lamang na napatunayan na ito’y nagaganap, na ito’y totoo.
    Muling umulan kinagabihan.  Malakas. 
    Sinubukan kong matulog sa pagitan ng dalawang kahoy sa kubong wala nang dingding at sahig.  Sa kabila ng matinding kapaguran, hindi ako maidlip.
    Kinabukasan, sa wakas, nagpakita sa amin ang aming sadyang mga tao.  Alam nilang may mga pumasok na taga-labas subalit hindi agad sila nagpakita sa takot na kami’y militar.  Ginabayan kami patungo sa kanilang kwebang mahirap makita kung hindi mo alam ang daan.  May ilog sa loob at nakakural din doon ang natitira pa nilang mga hayop.  May bukal malapit sa bunganga ng kweba na kinunan namin ng maiinom na tubig.   Napakalamig ng tubig mula rito.  Parang galing sa cooler.  Sa gilid ng kanilang kaingin ay namitas ako ng mga orkidyas.  Pasalubong sa aking inang hindi alam kung saan ako nagpunta.
    Maghapon at magdamag kami sa lugar.  Inilabas ko ang aking tape recorder at pinakanta ang mga bata.  Walang kasing tamis ang kanilang boses.  Mas malamig pa ang kanilang mga boses sa tubig na aming iniinom.
    Ikinwento nila, dati silang 56 na pamilya sa sityo.  Labingdalawang pamilya na lamang ang aming dinatnan.  Ang kanilang ka-barangay ay inubos na ng mga militar.  Iyon ay dahil sila raw ay mga taga-suporta ng NPA.  Doon ako nakakita ng mga matatandang umiiyak ng walang tumutulong luha.  Ubos na, ang sabi ng isa.
    Pagdating ng aming ika-limang umaga, kami ay kanilang inihatid sa ilog.  Nakita namin ang apat na balsang dali-dali nilang ginawa.  Mayroong nakapag-balita, papasok ang mga Scout Ranger mula sa Kabugao.  Ayaw nila ng mga taga-labas na nakikialam sa mga taga Pako Valley.
    Malungkot ang paalaman.  Halos walang nagsalita.  Haplos sa aking braso ang tanging pabaon ng magsasakang nagbuhat ng aking bag pababa sa ilog.
    Lumaki ako sa tabing ilog; ang kulay ko ay sunog dahil sa ilog.  Subalit wala akong kaalaman sa pagbabalsa.   Pero walang ibang pwede.  Apat kaming lalaki sa anim na babae.  Kailangan kong tumangan ng kawayan at gabayan ang  balsa palabas tungong kaligtasan.
     Muling umulan.  Rumaragasa ang ilog.  Ilang beses kaming nabangga sa naglalakihang bato at naghiwa-hiwalay ang aming mga balsa.  Sa dapit-hapon, lalong lumakas ang agos at dumalas ang aming paghinto.  Tatlong beses nahulog sa tubig ang aking bag kung saan nakasilid ang aking kamera at tape recorder.
    Nadala ang aming balsa sa isang sanga ng ilog.  Umaalimpuyo ang agos at hindi na kami makaalis.  Sumigaw ako at humingi ng tulong.  Nilangoy kami at tinulungang makatabi ng pinakamalaking lalaki sa aming grupo.  Madilim na noon.
    Muling tinalian ng mga baging ang aming balsa.  Noong kami’y nagpapatuloy sa tulong ng flashlight ay siya namang paglitaw ng isang kampo ng CAFGU.  Inutusan nila kaming doon na magpagabi.  Gumawa kami ng kubo mula sa talahib.  Walang natulog sa amin.  Magdamag kaming nakikipagtitigan sa mga CAFGU. 
    Lumipas ang isa sa pinakamahabang gabi ng aking buhay.
    Kinaumagahan, dali-dali kaming nag-impake at sumakay sa balsa.  Ilang oras na lamang ay nasa bayan na kami.


    Bago ko pa matapos ang kwento kong ito, pumasok ang isang text–pinatay si Edwin Dimaano ng Camarines Sur pagkatapos niyang sumali sa barikada laban sa demolisyon sa Lungsod ng Naga.
   

May 22, 2005

Usapang pansit

Filed under: Uncategorized — bukaneg @ 11:54 pm

    Isa itong diskurso hinggil sa mga pansit.
    Pansit ang isa sa pinaka-paboritong handa tuwing bertdey at mga ispesyal na okasyon.  Pampahaba ng buhay, hindi lamang dahil mukhang mahaba kundi dahil (at ito ang totoo) nakakabusog.
    Maraming lugar dito sa Pilipinas ang nagsasabing ang pansit nila ang pinakamasarap.  Mayroon pa ngang mga lugar na ikinabit sa kanilang pangalan ang kanilang mga pansit.  Halimbawa na lamang ang Malabon at La Paz sa Iloilo.
    Sa katulad kong madalas kesa sa karaniwan kung magutom, laging masarap ang pansit.  At dahil ako’y  lagalag, maraming pansit na rin naman ang aking natikman.  Bago ang aking mga paborito, banggitin ko muna ang mga pansit na iniwasan ko hanggat maari.  Una na diyan ang pansit bihon dahil masyadong payat at tuyo.  Pangalawa ang pansit lomi kasi masyado namang mataba at slimy.  Lalo namang iwas na iwas ako sa pansit canton na ang noodles ay binili sa palengke (’yun bang tuyo, kulay dilaw, at nakasupot).  Gayun din ang pansit sa Chowking.  Ayaw ko rin ng miswa.

    Pero, ika nga ni Lui Tunglos ng Kodao, "walang hindi masarap sa taong gutom!"
    At naririto ang aking mga paborito:
    D. Pansit Habhab–nakakatuwang panoorin ang mga taga-Quezon na kumakain ng
Pansit Habhab.   Payak na payak ang luto sa pansit na ito.   Walang
ibang sahog kundi hipon, minsan ay wala pa talaga.  Pampalasa na ang
suka na may sili.  Pero kung lamunin ng mga taga-Quezon mula sa dahon
ng saging, ito na ang pinakamasarap na pagkain sa lahat.   
     K.  Pansit Malabon–kahit hindi na sa Malabon ito binibili, Pansit Malabon pa rin ang tawag.  Maputi at mataba ang noodles.   Orig ‘yung seafoods ang  sahog–tahong, pusit at hipon–at binudburan ng chicharon.  Alam mong sagana sa sauce kapag matingkad ang pagka-dilaw.  Pero pinakamasarap ang maitim-itim dahil sa pusit. 
     B.  La Paz Batchoy–kung magagawi kayo sa Iloilo, magpahatid kayo sa palengke ng La Paz.  ‘Andun ang orihinal na Ted’s, at wala sa SM Fairview.  Punit-punit na ang silya, burado na ang karatula, garalgal na ang matandang aircon ng kainan, pero hari pa rin ang batchoy nila.  Manipis at binanlian lang ang noodles nito.  Pero ang sikreto ay nasa sabaw.  Lumalangoy doon ang murang sibuyas, laman-loob, chicharon at taba ng hindi mawaring hayop.  Patakan mo ng patis at budburan mo ng paminta at handa ka nang umakyat sa langit. 
    A. Pancit Cabagan–mahirap ipagmalaki dahil kakaiba ang pangalan.  Pero ang mapadaan ka sa bayan ng Cabagan sa Isabela at hindi ka kumain nito ay isang napakalaking kasalanan.  Half-cooked lamang ang noodles nito at sandali lamang niluto mula sa beef stock na maraming toyo.  Walang masyadong sabaw.  Igado ng Ilocano ang kadalasang sahog na sasamahan pa ng chicharon, itlog ng pugo, repolyo, carrots at murang sibuyas.  Kung wala kang awa sa overloaded mo nang panlasa, patakan mo pa ng suka ng tubo na may siling labuyo.
    At kung tinamaan ka na ng rayuma dahil sa mataas na cholesterol sa kakakain ng pansit, pumunta ka sa bukid at mamitas ng mga dahon nito.   Kunsabagay, masarap din ang tsaa ng pansit-pansitan.

May 18, 2005

A philosophical question

Filed under: Uncategorized — bukaneg @ 10:34 pm

Philo_1    San Beda’s (and La Salle and San Lorenzo’s) Prof. (later Dean) Raymundo Briones died of heart attack this last Holy Week.  I was not able to go to his wake.  His remains were taken home to Lipa City much too soon for me to re-arrange my cluttered schedule.  I am sometimes busy, you know.
    He introduced Philosophy to the clueless freshman that I was.  Until I graduated five and half years later, he was our department chair.  He had a ready and radiant smile that dominated his round face inspite of his huge eyeglasses. He was impressively intelligent and–this was more important to me–very patient. 
    Obviously piqued by a critical "The Bedan" issue, he only had this to say:  "Our school is comparatively better than most."   Faced with a class of philosophy majors who visited the Sistine-like San Beda Church less and less, he said, "On the question of God’s existence, faith is all there is for me." 
    I remember these two statements because these were his only ones I did not agree with.  In the former, I thought he uncharacteristically missed the point.  In the latter, I thought he was being uncharacteristically dumb. 
    I have had many philosophy teachers after Prof. Briones–mostly Marxists.  Had I kept correspondence with him, I am sure I would have disagreed with him more.Dean_briones_1
    But he is now dead. 
    I do not know why but it has become usual for the living to remember the recently departed with unusual kindness. 
    But I remember differently.
    I am sometimes unusual, you know.   

Photo taken from Ares Gutierrez’s blog.

May 13, 2005

Sampung piso

Filed under: Uncategorized — bukaneg @ 11:44 pm

Ten_pesos    Dumaan ako sa Katipunan kaninang umaga.  Nakahilera sa bangketa roon ang sari-saring prutas ng tag-init. 

    Isang kilong indian mangoesten pesos

    Isang hiwa ng pakwan–ten pesos

    Isang pirasong lutong mais–ten pesos

    Naalala ko tuloy, tuwing tag-init noon sa aming probinsiya noong kami ay bata pa.  Libre kaming nakakakuha ng maiihaw na mais sa bukid nina Tirso, pakwan sa bukid nina Gerald, at mangga naman sa amin. 

    Ngayon, giniba na ng ilog ang mga bukid sa amin at itinumba na ng mga bagyo ang mga punong mangga namin.  Kami namang magkakaibigan, nandito sa kalunsuran–nakikipagsapalaran.

    At kung gusto naming tumikim ng mais, pakwan at mangga, kailangan na naming bumili mula sa tindera.

    Kung maari sanang muling maging bata sa panahon ng tag-init sa aming probinsiya, kahit sa halagang sampung pisong barya.

Si Batik

Filed under: Uncategorized — bukaneg @ 11:14 pm

Antipolo_30_october_04_006    Sa mga pulong ng Bayan, madalas na pabirong ipanukala na iparada raw siya sa harap ng US embassy para mapagkamalang bomba.   
    Mahirap mapikon kapag pinagtatawanan ang kotse ko.  Dati naman kasing junk bago ko muling binuhay.  Binibili na nga ng magbabakal.  Buti na lang, sa akin na lang ibinenta.  Limang libong piso.  Pay-when-able pa.
    Pinangalanan namin siyang si "Batik".  Gayon na rin ang tawag sa kanya ng karamihan ng aming mga kamag-anak, kaibigan at kasama.
    Mula noon, nagsugod na ng nagpakamatay sa ospital; nag-uwi na ng nabaril sa holdap; nagsakay ng mga rebelde; naglaman ng hanggang pitong katao habang may dalawang trompa sa bubong at puno ng plakard ang trunk; tumawid sa ga-ilog na baha; nanghila ng tumirik; back-up car ng VIP; naghakot  ng gamit ng pamilyang pinalayas;  biglaang naging bridal car; naging bump car ng aking asawa ; at marami pang ibang "mga kagila-gilalas na pakikipagsapalaran."
    Dati siyang tirikin.  Ngayon, nilalagari niya ang kalsada mula Metro Manila hanggang sa amin at iba pang probinsiya.
    Sabi nga ng punk dito sa aming opisina, hindi ako kundi si Batik ang kadre sa aming dalawa.

May 11, 2005

Visayas Avenue

Filed under: Uncategorized — bukaneg @ 12:08 am

    isang taon na sana akong regular ng visayas avenue.  pero bago pa man kami makapaglipat, sa cubao ako napadpad.

    sayang. gusto ko pa naman sa visayas avenue.

    kagabi, dahil tinamad kaming maglutong mag-asawa, naghapunan kami sa  isang fastfood sa visayas avenue.  ayos. masarap.

    pauwi na kami at inaatras ko na ang aking giliw na "Batik" mula sa garahe nang saka ko lamang mapansin na may paslit na nagtatrapik para ako makaatras.  maliit, payat.  mahirap makita sa salamin, laluna’t medyo lumalabo na ang aking mga mata.

    hiningan ko ang aking asawa ng barya para ibigay sa bata. nung inaabot ko, gusto ko sanang sabihing "umuwi ka na, ‘toy. delikado sa bata ang nasa daan pag gabi. at saka mag-aral kang mabuti."  pero nagpigil ako. nagpasalamat na lamang ako.

    sa halagang limang piso, may karapatan na ba akong mangaral sa bata? maari ko na bang itanong kung meron siyang inuuwian o kung nag-aaral ba siya?

    habang pauwi, nadaanan namin ang isang restoran na may pangalang "kainan ni doktora: drive in and dine with your pets." naisip ko, sa bansang napakaraming batang pulubi, hindi kaya mas patok ang mga kainang may paanyayang "walk in and eat your pets"?

    masasagot ko sana ang mga tanong kong ito kung ako’y regular sa visayas avenue.

May 4, 2005

High end wakes

Filed under: Uncategorized — bukaneg @ 4:21 am

    i’ve been to a wake in sanctuario de san antonio in forbes park last weekend.  i sincerely mean no disrespect to the dead i visited nor to her relatives–they are a family of heroes.  these are just my observations that i can’t help but write down:

    the rich pala observe pamahiins i (wrongly) assumed were exclusive to the poor and the barriotic.  like, they believe that it’s malas to make walis the fallen leaves and flowers of wreaths or any dumi on the parlor’s floor.  but it’s okey to make pulot na lang the kalat.

    the higher the office one occupies in government, the less time he spends in a wake.  the problem is, he has to visit each parlor even as he originally intended to visit just one.

    the typical wake of a dead rich is so boring.  i never imagined a pinoy lamay without saklaan in the yard, a mahjong table or two going and half a dozen pusoy dos or tong-its groups playing.

    nearly no one eats at a dead rich’s lamay.  the food are for the poor relatives only.

    as bad as a parlor smells when it is full of wreaths, it smells just as bad when a roomful of matrons wage a battle of perfumes.

    assumption college high school batch ‘66 alumnae has a committee that takes care of sending wreaths to dead members or their relatives.

so grabe!